AUAA - UAE Chapter

Charity Walk for Ondoy Victims 

Posted by gosicnarf Wednesday, September 30, 2009 11:51:13 PM
Rate this Content 0 Votes





Mayroon pong gaganaping CHARITY WALK para sa mga biktima ng bagyong si Ondoy.  Ito ay gaganapin sa SAFA Park sa ika-9 ng Oktubre 2009. 
 
Ang lalahok sa pagtitipong ito ay maghanda ng AED 50.00.  Ang malilikom na halaga ay ipapadala sa Philippine National Red Cross.  Ang makikiisa sa gawaing ito ay tatanggap din ng libreng Giordano t-shirt na siyang isusuot sa nasabing pagtitipon.
 
Ang pagpapatala ay mag-uumpisa  ng 7:30 ng umaga at ang Charity Walk ay magsisimula 8:00 ng umaga.
 
Aasahan po ng ating mga kababayan sa Pilipinas ang ating pakikiisa sa gawaing ito.
 
Mabuhay ang mga Pilipino sa Dubai!



Comments are closed on this post.